159
Love life ni Kris pinagtripan ng basher
May 1, 2019 @ 17:28
By

Love life ni Kris pinagtripan ng basher

Isang basher ang nambastos kay Kris Aquino tungkol sa love life nito.

Ikinumpara pa ito sa love life ni Korina Sanchez.

Hindi ito pinatulan ni Kris bagkus ay polite pa rin niyang sinagot ang basher.

Unang sinagot ni Kris ang patutsada na: “Kris anong feeling na ihi nalang ang nagpapakilig sayo? Kris anong feeling na ikaw talaga ang problema sa lahat ng naka relasyon mo? Kris anong feeling na tatanda ka na single?”

“Last reply ko ‘to before your kabastusan is totally ignored -1st I wasn’t brought up in a home where urinating was considered a form of “kilig”. 2nd I’m the wrong person to ask if I was the problem in my relationships, why not ask them what was wrong with me? And 34d, I’m not going to find out – how effing low IQ are you?” saad ni Kris.

Pero hindi pa doon natapos ang basher.

“Kris anong feeling na masaya si korina sa kambal nya at asawa? Anong feeling na walang lalaking nag mamahal sayo?”

“If you feel this comment will give her husband 4.2 million more votes best of luck to you.” reply ni Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?