2

Love letters, historical records ni Albert Einstein, tampok sa exhibit

Sharing is caring!

Tampok ang mga love letters, sulat-kamay na mga pahina tungkol sa theory of relativity, at ilan pang historical records ni Albert Einstein sa exhibited na gagawin sa Taiwan, China at Japan.

Ilan sa 75 artifacts nito ay idi-display sa Taipei simula Biyernes bilang bahagi ng “Albert Einstein: Life in Four Dimensions” exhibit, ayon sa ulat ng AFP.

Magtatagal ito hanggang Abril 8 sa National Chiang Kai-shek Memorial Hall bago dalhin sa China at Japan.

Kilala ang Jerusalem university bilang pinakamalaking imbakan ng mga Einstein collection sa buong mundo.

Kasama sa mga idi-display na gawa ni Einstein ang 1921 Nobel Prize, theory of relativity, mga sulat nito kay Sigmund Freud, sa kanyang pamilya at naging kasintahan, at sarili nitong vinyl record collection.

Nagsilbing non-resident governor ng Hebrew University ng Jerusalem si Einstein.

At nang mamatay ang tubong German physicist noong 1955, iniwan niya ang mga records niya sa institusyon, na siya na ngayong may-ari ng mga koleksiyon niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?