20

Sep 8, 2021 @ 19:45
By

Love ang Pilipinas! Duterte tatakbong vice president

Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban faction na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi para sa pagka-bise presidente.

Anang Pangulo, umaasa siyang sa pamamagitan nito ay patuloy niyang mapagsisilbihan ang mga Pilipino.

“Thank you for the nomination, I am hopeful that this will allow me to continue serving the Filipino people,” saad ni Duterte.

“Alam mo bakit ako tatakbong Vice President? Is it ambition? Maybe. Love of country? Yes,” dagdag niya.

Samantala, hindi naman tinanggap ni Senador Bong Go ang nominasyon sa kanya bilang presidential candidate ng partido.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?