16

Sep 15, 2020 @ 16:47
By

Louis Vuitton face shield katumbas ng 4 buwang sweldo!

Kung ikaw ay minimum wage earner sa Pilipinas, apat na buwan ang inyong bubunuin para lang makabili ng sosyaling face shield mula sa Louis Vuitton.

Ayon sa report ng Vanity Fair, maglalabas ang French luxury brand ng face shield para sa kauna-unahang high-fashion na proteksyon kontra sa COVID-19.

Sa nilabas na pahayag ng LV, ang personal protective equipment (PPE) ay magiging parte ng kanilang 2021 Cruise Collection, na magiging available sa merkado sa October 30.

Ang naturang face shield ay nilagyan ng ginto at syempre’y may tanyag na LV logo.

Para sa mga interesado sa presyo ng naturang face shield, nagkakahalaga lang naman ito ng $961 o tumataginting na P46,560 para sa isang piraso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?