58

Nov 29, 2021 @ 9:39
By

Louis Vuitton direktor pumanaw sa edad 41

Pumanaw na ngayong Lunes (oras sa Pilipinas) ang artistic director ng sikat na brand na Louis Vuitton na si Virgil Abloh matapos ang pakikibaka sa isang bihirang klase ng kanser.

Ayon sa ulat ng USA Today, 41-anyos lamang si Abloh.

Cardiac angiosarcoma umano ang ikinasawi ng designer, na isang uri ng karamdaman kung saan ang daloy ng dugo sa puso ay nahaharangan.

“We are devastated to announce the passing of our beloved Virgil Abloh, a fiercely devoted father, husband, son, brother, and friend. He is survived by his loving wife Shannon Abloh, his children Lowe Abloh and Grey Abloh, his sister Edwina Abloh, his parents Nee and Eunice Abloh, and numerous dear friends and colleagues,” saad sa post sa Instagram account ni Abloh.

“He chose to endure his battle privately since his diagnosis in 2019, undergoing numerous challenging treatments, all while helming several significant institutions that span fashion, art, and culture,” dugtong pa nito.

Bukod sa kanyang posisyon sa Louis Vuitton, si Abloh rin ang founder at CEO ng fashion house na Off-White. (mjd)

https://www.instagram.com/p/CW1FDd4oXan/?utm_source=ig_embed&ig_rid=d8c55fcd-f1fe-4340-ae44-b287e11d9afb

View this post on Instagram

A post shared by @virgilabloh

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?