178

Mar 4, 2020 @ 19:25
By

Louis Gamban, ang bagong ‘Queen Maroon’

Umani ng mga tagahanga si UP Fighting Maroon rookie Louis Gamban sa unang UAAP Season 82 match nila sa Ateneo Blue Eagles ngayong Miyerkoles.

Todo-ambag ang hitter sa laro, na habang nagtatala ng 10 puntos ay pinagwawagian din ang puso ng mga manonood sa kanyang pagkembot at sass.

Ito ang unang panalo ng UP laban sa Ateneo mula pa Season 76.

Sa Twitter, bumuhos ang mga pahayag ng mga netizen na isa-“stan” o todong hahangaan na nila ang freshie, ang binansagan nilang “Queen Maroon.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?