8

Aug 3, 2020 @ 20:50

Lotto suspendidong muli

Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang temporary suspension ng mga draw ng lotto at operasyon ng mga outlet nito sa Metro Manila at iba pang lugar na ibinalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Linggo ng gabi nang pagbigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hiling ng mga health worker na ibalik ang mas istriktong quarantine para makahinga sila sa pagdami ng pasyenteng may COVID-19.

Mula August 4-18 ay iiral ang MECQ sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

“In view of the pronouncement by President Rodrigo Roa Duterte to revert NCR, Bulacan, Cavite, Rizal and Laguna to MECQ from August 4 midnight to August 18, 2020, Instant Sweepstakes tickets, Keno, including the scheduled resumption of lotto operations in these areas shall be suspended until further notice,” sabi sa statement ng PCSO. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?