37

Jan 10, 2022 @ 16:53
By

Lotto draw sinuspinde ng PCSO

Mula ngayong Lunes, Enero 10 hanggang Miyerkoles, Enero 12 suspendido ang mga lotto draw.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Dahil sa patuloy na pagtaas ng talaan ng Covid positive cases sa ating bansa at upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan at kapakanan ng PCSO employees, mga ahente at ng publiko, pansamantala naming suspendihin ang lotto draw operations mula sa araw na ito ika-10 ng Enero hanggang sa ika 12 ng Enero,” anunsyo ng PCSO.

“Ito’y upang magsagawa ang kaukulang hakbangin sa seguridad ng lahat,” dagdag nito.

Sa kabila nito, mananatili umanong bukas ang mga lotto outlet para sa mga gustong bumili ng lotto ticket para sa digit/jackpot game, Keno, instant sweepstake at Small Town Lottery sa mga lugar na nasa Alert Level 4.

Itago lamang ang mga itinayang tiket dahil ayon sa PCSO, itutuloy ang kanilang catch-up draw operation sa Huwebes sa pamamagitan ng kanilang website at mga social media account.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?