15

May 14, 2021 @ 10:48
By

Lotto balik operasyon na

Binigyan ng go signal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para buksan ang operasyon ng Lotto, Keno, Scratch-It at Small Town Lottery (STL) sa buong bansa.

Ito ang inanunsiyo ng Malacañang matapos ang pulong ng IATF nitong Huwebes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inaatasan ng IATF ang PCSO na tiyaking naipatutupad ang mahigpit na health protocol sa muling pagbubukas operasyon ng kanilang authorized agent.

“Also approved by the IATF is the selling of Lotto, Keno, Scratch-It and Small Own Lottery tickets nationwide even during the MECQ by the PCSO and its authorized agents ” ani Roque.

Nauna rito umapela sa Malacañang ang may tatlong libong PCSO agent sa NCR Plus na payagan na silang makapagbenta ng Lotto matapos pansamantalang ipatigil ang operasyon dahil sa mahigpit na quarantine protocol noong sumirit ang mataas na kaso ng COVID-19 sa NCR Plus bubble.

Mahigit 40 araw na walang kita ang PCSO agents at nawalan din ng kita ang  kanilang mga manggagawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?