20

Jul 21, 2020 @ 11:43
By

Lotto balik operasyon na sa Agosto 4

Ibabalik na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang operasyon sa Lotto simula sa Agosto 4 base sa anunsyo ng ahensya nitong Martes.

Ayon kay PCSO Genenral Manager Royina Marzan Garma, ang muling pagbubukas ng lotto games ay inaprubahan na ng Office of the President.

Sisimulan sa Agosto 4 ang pagbebenta ng ticket sa lotto sa mga lugar na nasa ilalim na ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Kabilang sa mga laro ng Lotto ang Regular 6/42; Super Lotto 6/49; Mega Lotto 6/45; Ultra Lotto 6/58 at Grand Lotto 6/55, kung saan ang presyo ng ticket ay ibinaba sa P20.

Base sa PCSO Lotto Circular No. 2020-004, ng PCSO ay susunod sa health protocols na ipinag-uutos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), katulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask.

Sa ngayon ay 6/42 ang bobolahin sa mga araw ng Martes, Huwebes at Sabado; gayundin ang 6/45 lna bobolahin naman sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes lang muna ang inisyal na lalaruin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?