162

By

Lotlot rumesbak sa basher nang akusahang walang respeto sa inang si Nora

Sharing is caring!

Patol kung patol na ngayon ang drama ng magaling na actress na si Lotlot de Leon.

Kahit pa sabihin na super cool si Lotlot sa mga intrigang ibinabato sa kanya at maging sa mga negative bash na pinadadala sa kanyang social media account, kahit pa medyo below the belt pa nga ang tira sa kanya ay dedma na lang si Lotlot.

Pero tila sumabog na ang actress sa isang bash na nabasa niya, na sinasabihan siyang magbigay respeto sa taong umampon sa kanya, si Nora Aunor.

Kahit abala sa bago niyang soap sa Kapamilya Network ang “Halik” pagkatapos niya sa “The Cure” ng GMA-7, pinalagan ni Lotlot ang basher na nagsabing maging marespeto naman sa taong nag-ampon sa kanya.

Lately kasi ay may ugong na may ‘tampuhan’ ulit ang mag-inang Nora Aunor at Lotlot, may kinalaman daw ang tampuhan na ito sa pagpapakasal ni Lotlot sa kanyang Lebanese non-showbiz boypren na si Fadi El Soury at hindi raw nasabihan si Ate Guy.

Sa kanyang komento sa naturang basher, sinabi ni Lotlot na feeling niya ay hindi lang siya ang pwedeng masaktan sa bash na natanggap kundi maging ang mga katulad din niyang adopted.

Sinabi ni Lotlot na ‘wag naman sana agad-agad na mag-judge ang isang tao sa tulad niyang ampon.

At tungkol naman sa ‘tampuhan’ nila ni Ate Guy, sinabi rin ni Lotlot, bilang isang pamilya ay tulad din sila ng iba na inaayos sa loob na lang ng kanilang tahanan, kahit pa sabihin na taga-showbiz sila pareho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?