52

Jul 4, 2020 @ 20:40
By

Lotlot mag-eendorso nang libre para sa kapwa seller

Nag-alok ng tulong ang aktres na si Lotlot de Leon para sa mga maliliit na seller na naapektuhan ng pandemic katulad niya.

Libre raw niyang ipo-promote ang ibenebentang produkto ng mga ito sa kanyang IG account.

“Alam ko na itong nakalipas na buwan lahat tayo hirap dahil sa pandemic na nangyayare at kagaya nyo ang pinagkakaabalahan ko lang ay ang pagluluto at ang pagbebenta ng mga homemade food online.

“I would like to help in my own little way by promoting your business through my IG account.

Hindi nyo po ako kailangan padalahan ng kahit ano na kapalit nito,” sey ni Lotlot.

“So if you can DM me (one of your posters) at nakasaad na dun lahat ng detalye about your homemade items, that would be great!  And I will post this tomorrow and try to accommodate as many as I can,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?