685

Dec 17, 2018 @ 21:32
By

Lotlot ikinasal na sa Lebanese BF

Ikinasal na ang aktres na si Lotlot de Leon sa Lebanese businessman boyfriend nito na si Fadi El Soury ngayong Lunes.

Sa Instagram post ng kapwa aktres ni Lotlot na si Shyr Valdez makikitang sa isang garden ceremony ginanap ang kasalan.

Ikinasal na noon si Lotlot kay Ramon Christopher Gutierrez kung saan mayroon siyang apat na anak kabilang na ang pumasok din sa showbiz na si Janine.

Sa IG post naman ng wedding planner na si Rhed Sarmiento, makikitang dumalo sa kasal ng kanilang ina ang apat na anak ni Lotlot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?