291

Dec 21, 2019 @ 14:47
By

Lotlot dinepensa si Janine kay Lolit

Nagsalita ang beteranang aktres na si Lotlot de Leon para sa kanyang anak na si Janine Gutierrez matapos batikusin ng talent manager na si Lolit Solis nang ma-comment tungkol sa pagbabalik-telebisyon ng alaga niyang si Senador Bong Revilla.

Ani Lotlot, lahat ng tao ay maaaring magbigay ng opinyon o saloobin sa mga isyu pero unfair na kapag artista ay may hangganan ito.

Proud daw siya na napalaki niya si Janine na “respectful, level-headed, smart, humble, and willing to take risks when needed.”

“Everyone else can give their opinions and share how they feel pero dahil artista ka may hangganan ang pagbibigay mo nun. Medyo unfair,” sabi ni Lotlot.

“In the many years that I have also been in this industry at sa lahat ng nakita at napagdaanan ko, I have also learned to choose my battles, hindi lahat pinapatulan, sinasagot at pinapalaki,” dagdag pa niya.

“At the same time I have also learned that it’s okay to say what you feel, to give your opinion and to be heard. Hindi kabawasan ng pagkatao ‘yun lalo na kung nasa tama naman,” patuloy pa niya.

Magugunitang pinagsabihan ni Lolit si Janine sa mga naging pahayag nito kay Senador Revilla.

Ayon kay Lolit, walang karapatan si Janine na banatan si Revilla dahil kaibigan ng kanyang lolo na si Christopher de Leon ang senator-actor.

Magbabalik-telebisyon ang senador at bibida sa “Agimat ng Agila” na ipapalabas sa GMA Network sa 2020 matapos maabsuwelto sa kasong plunder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?