2,937

Jan 12, 2022 @ 16:10
By

Lotlot de Leon rumesbak sa panghuhusga ng netizen

Hindi napigilan ni Lotlot de Leon na sagutin ang isang netizen na nag-comment sa kanyang Instagram post kung saan sinumbatan siya sa hindi umano pagdalaw sa kanilang inang si Nora Aunor.

Ayon sa netizen, matigas daw ang puso ni Lotlot at natitiis ang ina gayong ito ang umampon sa kanya.

“Matigas talaga puso noh? D namin alam kung ano ginawa sayo ni ate guy, subra mo cya natitiis, baka bumalik sayo ginagawa mo, pray harder n walang anak mo gumaya sayo. Siguro kung d k nya inampo wala k sa kalagayan mo ngayon. Sa nkikita puro lagi mo binabati CD d naman cya ang umampon sayo. Nkita namin lahat dinalaw c ate guy ikaw lang wala. Ano pag tingin mo sa kanya pangas? Idol kita like kita kahit noon p bata k pa kahit n nga ngayon sinusubay bayan kita. Pero d ko mapigilan sabihin ito. D ko gusto ugali mo. Iunfollow n kita,” comment ng nabanggit na netizen.

Resbak ni Lotlot sa kanya, “Ay! Ang puso mo hinay-hinay po. Pero teka baka kulang pa po sasabihin nyo? Wala na po ba kayo idadagdag sa panghuhusga nyo? Okay…noted po! Noted na noted po!”

Bagama’t burado na ang sagutan nina Lotlot ay na-screenshot ito ng ilang netizen.

Nitong January binisita si Nora ng mga anak nila ng dating partner na si Christopher de Leon.

Naroon sa reunion sina Ian, Matet, Kenneth at Kiko de Leon kasama ang kani-kanilang pamilya ngunit absent si Lotlot.

Ibinahagi ito ni Matet sa kanyang Instagram.


“Spent the first day of the year with mommy,” caption ni Matet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?