73

Dec 4, 2020 @ 9:31
By

Los Baños mayor binaril sa munisipyo

Pumanaw sa ospital ang alkalde ng Los Baños, Laguna matapos siyang barilin sa loob mismo ng municipal hall.

Ayon sa ulat ng pulis Los Baños, naglalakad papunta sa receiving area ng munisipyo si mayor Caesar Perez nang may mga hindi kilalang suspek na binaril siya sa likod ng ulo nang dalawang beses, alas-8:45 ng gabi ng Disyembre 3. Agad umalis sa lugar ang mga suspek.

Sinugod sa HealthServ Medical Hospital sa Los Baños ang alkalde pero matapos ang 30 minuto ng resuscitation efforts ay dineklara siyang patay ng doktor, 9:25 ng gabi.

Una nito, kabilang si Perez, na dating Laguna vice governor, sa narco-politicians list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing listahan ay naglalaman ng watchlist ng pambansang gobyerno ng mga opisyales ng gobyerno na diumano’y sangkot sa bentahan ng iligal na droga.

Makaulit itong pinabulaanan ni Perez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?