208

Dec 14, 2018 @ 17:35
By

Lorna pinapantasya ni Ejay Falcon

Isang matinding pagsubok ang haharapin ni Nilo (Ejay Falcon) at Bonifacia (Lorna Tolentino) sa isang kwento ng pagmamahalang hindi madaling tanggapin ng lipunan sa “MMK” ngayong Sabado (Disyembre 15).

Sa murang edad na sampung taon, mamumulat na si Nilo sa tunay na pag-ibig dahil sa magandang pagpapalaki ng mga magulang. Sa sariling pamilya lamang iikot ang buhay nito hanggang sa makilala si Bonifacia, isang babaeng 32 taon ang tanda sa kanya.

Ang pagkagusto ni Nilo ay magiging pag-ibig sa kalaunan. At dahil nga sa pagitan ng edad, hindi ito madaling matatagap ng kani-kanilang pamilya. Ngunit magiging masugid si Nilo, gagawin ang kahat para lamang mapalapit sa iniirog. Nang maging byuda si Bonifacia, tuluyan nang maglalakas loob ang binata na suyuin ang babaeng buong buhay niyang tinuring “princess.”

Dahil sa panunuyong ito, mapapalapit ‘din ang loob ni Bonifacia sa binata at magkakarelasyon ang dalawa. Ililihim ng dalawa ito sa mga pamilya at magpapakalayo. Mapapadpad sila sa Puerto Galera kung saan kahit walang nakakakilala, hinahamak pa ‘rin ang kanilang pagsasama dahil sa diperensya sa edad na ikasasama ng loob ni Bonifacia.

Matatanggap pa kaya ng pamilya nina Nilo at Bonifacia ang kanilang pag-iibigan? Totoo nga bang walang kinkilalang edad ang tunay na pag-ibig?

Kasama rin sa episode sina Zaijan Jaranilla, Marco Masa, Allan Paule, Bing Davao, Kokoy de Santos, Faye Alhambra, Manuel Chua at Lovely Rivero. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Frasco Mortiz at panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?