54

Nov 17, 2021 @ 21:11
By

Lorenzana sapol uli ng COVID

Nagpositibo uli sa coronavirus si Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Kinumpirma niya ito ngayong Miyerkoles, kung saan nakuha niya ang resulta ng kanyang swab test matapos niyang dumalo sa pagdinig sa Senado.

“Yes, this morning I got the result of my swab test yesterday afternoon after the Senate hearing. I am a symptomatic,” saad ni Lorenzana.

Noong April 6, 2021 unang tinamaan ng COVID-19 ang Defense chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?