150

Jun 19, 2021 @ 9:23
By

Lorenzana sa NPA: Bakit n’yo dinadamay mga bata?

Kinuwestiyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagkakasama ng mga bata sa mga aktibidad ng New People’s Army (NPA).

Kasunod ito ng napaulat na pagkamatay sa engkuwentro sa 3rd Special Forces Battalion sa Lianga, Surigao del Sur ng tatlong Lumad, kabilang ang isang menor edad.

“Bilang isang ama, nalulungkot akong makitang humantong sa kamatayan ng mga bata ang pangyayaring ito,” tweet ni Lorenzana.

“Ang tanong ko: bakit patuloy na dinadala ng mga NPA sa kanilang hanay ang mga bata sa kanilang pakikipagtunggali sa ating mga sundalo?” dagdag niya.

Sinamahan ni Lorenzana ang kanyang pahayag sa Twitter ng mga larawan ng mga umano’y child soldiers ng NPA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?