13

Oct 6, 2021 @ 16:05
By

Lorenzana pass muna sa Senado, pokus sa pagiging Defense Secretary

Napag-desisyunan ni National Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi muna siya tatakbo sa Senado sa sususnod na taon.

Ito ang personal niyang inanusyo sa kanyang Twitter ngayong Martes.

“Earlier this year, a number of friends, heads of political parties, businesses, and campaign volunteers have urged me to go for it, citing my good government service track record,” ani Lorenzana.

Aniya, gumamit siya ng isang “useful decision-making tool” para rito.

Makikita sa kanyang post na “No” ang naging resulta nito sa tanong na “Should I run for senator in 2022?”

Dahil dito, nanghingi ng paumanhin ang opisyal sa kanyang mga tagasuporta dahil sa hindi niya pagtakbo sa susunod na taon.

“I would like to apologize to those who reached out for support and those who feel let down by my decision. I thank them for their support and vote of confidence. I shall continue with my present job and strive to finish it in a high note.”

Tumugon naman si Senador Sherwin Gatchalian sa naturang tweet ni Lorenzana at sinabing: “You should run for the senate Sec. You have one vote from me… And probably thousands more from our great city of Valenzuela.”

(VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?