131

Dec 20, 2017 @ 14:34
By

Lorenzana, nawalan ng tiwala kay Mercado kaya pinasipa sa puwesto

Inamin mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tuluyan na siyang nawalan ng tiwala sa integridad ni Vice Admiral Ronald Joseph Mercado kaya inirekomenda niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na masibak ito bilang flag officer in command ng Philippine Navy.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Lorenzana na patuloy na nade-delay ang frigate acquision project dahil sa iba ang isinusulong na combat management system ni Mercado na wala sa kontratang pinasok sa kumpanyang Hyundai.

Dagdag pa ni Lorenzana, na naipaalam na niya kay Pangulong Duterte noon pang Nobyembre ang rason ng pagkaka-delay ng proyekto para sa Navy kung saan si Mercado ang dahilan.

Maging sa social media ay may mga lumalabas na dahilan ng pagkaantala ng proyekto ay dahil sa Department of National Defense kaya nagdesisyon na siyang irekomenda ang pagsibak kay Mercado.

Sa ngayon tiniyak ni Lorenzana na matutuloy na ang pagbili ng mga frigate o barkong pandigma lalo’t may P15.5 bilyong inilaan dito ang pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?