52

Jun 5, 2021 @ 8:38
By

Lorenzana natuwa sa Japanese defense minister

Natuwa si Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Japanese Defense Minister Nobuo Kishi sa online meeting nila kamakailan.

Hindi napigilang mapansin ni Lorenzana kung paano ipinahahayag ng mga Hapones ang kanilang respeto at galang kahit online.

Sa online video conference, makikita ang effort ni Kishi sa pagdekorasyon ng kanyang lamesa ng mga simbolikong produkto mula sa Pilipinas.

Ibinida nga ng defense minister ang mga produktong Pinoy sa videoconference tulad ng mangga at saging.

Makikita rin sa lamesa ni Kishi ang display version ng kilalang pampublikong transportasyon sa Pilipinas na jeepney.

“During my meeting with Japanese Defense Minister Nobuo Kishi yesterday, I couldn’t help but notice how the Japanese express their respect and courteousness, even online,” ani Lorenzana sa Facebook post.

“As you can see, they took the time and effort to decorate the minister’s desk with symbolic Filipino items. Nakakatuwang tingnan,” dagdag niya.

“Thank you Defense Minister Kishi for your time and I look forward to the upcoming activities and projects between our two countries.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?