1,035

By

Lorenzana ibinulgar, Calida personal na tumawag para kunin ang amnesty records ni Trillanes

Sharing is caring!

Sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na personal umanong pinaabot ni Solicitor General Jose Calida ang pagkuha ng huli sa amnesty records ni Senador Antonio Trillanes IV.

Sa press con sa Camp Aguinaldo, ito ang kanyang tinuran: “He (Calida) asked me, he asked me personally by phone to get the amnesty records niya (Trillanes) sa Department of Defense and sa AFP (Armed Forces of the Philippines), so I provided him,” Lorenzana said in Camp Aguinaldo.

Tumawag umano si Calida noong Agosto 16, halos dalawang linggo bago mailabas ang Proclamation 572 ngunit hindi idinetalye ni Lorenzana kung ano-anong dokumento o impormasyon ang naibigay niya kay Calida.

Iginiit naman ni Lorenzana na wala siyang alam sa balak na pagbawi sa amnestiya ni Trillanes at ibinigay niya ito dahil abugado ng gobyerno si Calida. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?