10

Mar 7, 2021 @ 15:19
By

Lorenzana: Hindi pa ako nabakunahan vs COVID-19!

Itinanggi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi pa siya naturukan ng Sinovac COVID-19 vaccine matapos mapaulat na nabakunahan na umano ito.

“No, I did not,” tugon ni Lorenzana sa isang mensahe nang tanungin kung totoo ba ang alegasyong ito.

Giit niya, para lang umano iyon sa mga litrato.

“Photo ops lang,” saad nito matapos bumisita sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City noong Biyernes para tingnan ang kanilang COVID-19 vaccination program doon.

Nito lamang Biyernes nang mapabalitang nabakunahan na si Lorenzana ng Sinovac COVID-19 vaccine kahit na hindi ito inirerekomenda ni Health Secretary Francisco Duque III dahil sa edad niya.

Mula 18 hanggang 59-anyos lang kasi ang hinihikayat na makakuha ng Sinovac COVID-19 ayon sa Department of Health.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?