100

Dec 18, 2017 @ 17:19
By

Loren tikom pa ang bibig sa DSWD post

Hindi inaamin, hindi rin itinatanggi ni Senadora Loren Legarda ang diumano ay alok sa kaniya ni Pangulong Duterte para pamunuan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa senadora, sabihin na lang na may pinag-iisipan siya at nagpapasalamat siya sa pagkilala ng pangulo sa kaniyang pagganap ng tungkulin bilang chairman ng Senate committee on finance kung saan hinihimay ang pambansang badyet.

Gusto rin daw niyang magbantay sa isang departamento ng gobyerno na napakahalaga sa pagtugon sa pangangailangan ng taumbayan.

Idiniin naman na plano niyang tapusin ang kaniyang termino sa pagka-senador na hanggang sa taong 2019.

“I am not certain whether I am allowed to comment on that on national television but my being mum about it will probably spill the beans,” ayon kay Legarda.

“Let me just say that I would want to exercise very strong oversight functions over a department that is very important that takes care of the need of the people,” dagdag nito.

Sa ngayon, officer-in-charge ng DSWD si DSWD Undersecretary Emmanuel Leyco.

Pansamantala siyang pinamuno sa DSWD mula noong mapatalsik sa pwesto si dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo na hindi ipinasipa ng Commission on Appointments (CA).  (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?