32

Jul 18, 2021 @ 17:09
By

Loren Legarda suportado Pinoy craftsmanship

Todo ang suporta ni Antique Rep. Loren Legarda sa mga likhang handicraft ng mga Pinoy.

Sa kanyang Facebook post, binida ni Legarda ang niregalo sa kanyang clothing accessory na ginamitin ng ‘Pidayit’, isang uri ng paghahabi gamit ang mga retasong tela sa Pampanga.

“Pidayit, a quilting technique using scrap fabric, being revived in Pampanga, according to Phl ambassador to Germany, ambassador Tess de Vega, who gifted me with this versatile textile,” saad ni Legarda.

Ayon sa kongresista, isa sa kanyang mga adbokasiya ay para mai-promote ang Philippine craft para masuportahan ang kabuhayan ng ating mga ninuno.

“Always supporting, promoting Phl crafts, indigenous knowledge and weaves, our heritage,” ayon kay Legarda. “That’s what I espouse, advocate, support and DO!”

Saad pa ni Legarda, balak niyang i-donate ang kanyang koleksyon ng mga PH craft sa loob ng 40 taon sa National Museum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?