72

Sep 20, 2021 @ 11:19
By

Loren Legarda muntik nang ‘atakihin’ kay Alex

Kahit repestado at matalinong tao tulad ni Loren Legarda ay hindi pinalampas ng kapilyuhan ni Alex Gonzaga.

Sa isa kasing paandar ng aktres ay halos hindi makapaniwala ang dating senadora na nagoyo siya nito.

Sa latest vlog ni Alex, makikitang nilibot ni Legarda si Alex sa kanyang farm.

Bilang isang “prankster,” nagkunwari si Alex na kinagat ng mga insekto habang nagtu-tour at nagpakita pa ng pantal-pantal niyang legs na siya palang prosthetics na pinagawa niya bago ang vlog.

Nang makita ng House Deputy Speaker ang mapulang legs ni Alex ay umikot agad ang pwet nito kakahanap ng gamot at sa kakatawag sa doktor.

“Uyy kawawa, ay kinagat na nga! Ay grabe! Uy Lord! Uy teka teka ba’t red na red!” reaksyon ni Legarda.

Ngunit kahit kinakabahan ay nanatiling ‘composed’ at kalmado pa rin ang opisyal at tinawagan ang kanyang doktor para pasugurin kung nasaan sila ni Alex.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay binunyag na ni Alex na prank lang pala ang lahat.

“Ano? Oh my God! Its part of the show?” gulat na reaksyon ni Loren .
Dahil dito, napaupo na lang sa sulok ang dating senadora dahil hindi pa rin makapaniwalang nadala sa paandar ni Alex.

“[I] cannot believe it. [O]h my God this girl. She’s something else.. kaya pala nagagalit ang nanay nito sa kanya,” aniya.

“Grabe ka, sino nag-isip na yan ang prank mo?”

“Never pa ako pinrank ng sinoman habang buhay, takot lang nila.”

Dahil sa ginawa ng aktres ay tropapips na raw sila. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?