50

Jun 3, 2020 @ 12:43
By

Lopez pinaninindigan ang buong paglilingkod sa sambayanang Pilipino

Pinaninindigan ni ABS-CBN chairman emeritus Eugenio ‘Gabby’ Lopez ang kanyang buong pusong paglilingkod sa sambayanang Pilipino at ito’y malinaw umanong makikita sa kanyang rekord.

“I stand by my record over the last 35 years. I have been committed to the people of my country. Gina Lopez is not an outlier in our family. We are totally dedicated to the service of the Filipino. Dito sa ABS-CBN, it is not just a job; it’s a calling,” ayon kay Lopez sa kanyang pagharap sa pagpatuloy ng pagdinig kahapon ng House Committees on Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability kaugnay pa rin sa panukalang pagbibigay ng panibagong 25-year broadcast franchise sa ABS-CBN.

Ipinanganak umano siyang mga Pilipino ang magulang at lumaki sa Pilipinas kaya isa siyang natural born Filipino citizen.

“I grew up in the Philippines and I went to grade school and high school in the Philippines. I only went to college and my masters in America,” ayon pa kay Lopez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?