245

By

Loonie: Hindi ako mapapagod mag-rap

Madalas na tema ng mga rap na ginagawa nina Loonie ay naka-angkla sa kalagayang panlipunan.

Ayon kay Loonie, ang mga rapper ay tila mga modern day reporters na may layunin sa lipunan.

“Hindi ka lang mag ra-rap diyan, dapat mag impart ka ng knowledge, ng info sa tao lalo na kung marami kang followers,” paliwanag nito.

Mahalaga aniyang bukas ang isip ng isang rapper sa mga kaganapan sa bansa, sa paligid at sa kapwa tao.

“Importante po kasi, minsan doon na lang nakakakuha ng unfiltered truth ang masa, alam niyo na yung mga reporters natin ngayon, alam mo naman hindi naman lahat yan unbiased, lahat yan nababayaran ng pera, pero sa rap don mo makikita yung, kung ano yung lipunan, kung gaano kalakas yung droga sa isang bansa,” saad nito.

Dahil para sa sikat na rapper, ang rap ang best genre para sa mga social at political na mensahe.

Dagdag pa nito, mahirap man at nakakapagod ang byahe dahil sa iba’t ibang lugar siya nakakarating sa pag ra-rap, kailanman ay hindi siya mapapagod sa pag ra-rap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?