206

Jul 4, 2022 @ 16:28
By

LOOK: Robin pasok sa cast ng ‘Maid in Malacañang’

Nag-post si Ruffa Gutierrez ng mga bagong photo mula sa set ng “Maid In Malacañang”.

Spotted kasama nina Ruffa at Cesar Montano si Senador Robin Padilla, na nakasuot ng fatigue uniform at may hawak na rifle.

“About last night on the happy, hardworking set of ‘Maid In Malacañang’ with Senator @robinhoodpadilla, Best Actor @cesarbuboymontano and the cast. Exciting days ahead…” caption ni Ruffa.

Sa ilang litrato ay makikita ang iba pang cast ng pelikula na sina Ella Cruz, Cristine Reyes at Diego Loyzaga. (IS)

*https://www.youtube.com/watch?v=z5PpbLOeChw

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?