14

Oct 23, 2021 @ 14:46
By

Lonzo nagpasiklab! Bulls sinuwag Pelicans

Bumida sa isang kagila-gilalas na triple-double si Lonzo Ball at giniba ng Chicago Bulls ang dati niyang koponang New Orleans Pelicans, 128-112, para simulan ang NBA season sa 2-0 kartada.

Kumamada si Ball ng 17 points, kasama ang 10 rebounds at 10 assists upang gabayan ang Bulls sa mainit na simula sa season.

Maganda rin ang ipinakita ni Zach Lavine na umiskor ng 32 points at may anim na rebounds, gayundin si DeMar DeRozan na kumana ng 26 points na sinamahan ng anim na rebounds at apat na assists.

Nagtapos ang first quarter sa iskor na 28-17 pabor sa Bulls at mula rito’y kinontrol na nila ang laban kontra sa Pelicans na muling lumaro nang wala ang injured na si Zion Williamson.

Napunta sa wala ang 26 points, eight rebounds at eight assists ni Brandon Ingram para sa New Orleans.

Bagsak sa 0-2 ang Pelicans.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?