43
ABANTE lonzo ball mri left knee lakers
Jan 15, 2018 @ 12:19

Lonzo Ball namaga ang tuhod, sasalang sa MRI

Sasailalim si Los Angeles Lakers rookie point guard Lonzo Ball sa MRI sa Memphis matapos magising noong Linggo na namamaga ang kaliwa niyang tuhod.

“Lonzo Ball woke up with a sore left knee this morning, and for precautionary reasons, is getting an MRI in Memphis today. The Lakers will send an update with the results.

12:48 PM – Jan 14, 2018,” ang tweet ni Mike Trudell, sideline reporter ng Lakers.

Nag-umpisang malamya ang laro ni Ball nitong season pero nagsimula nang gumanda ang ipinapakita nito ng nakalipas na linggo kung saan naka-apat na sunod na panalo na ang koponan niyang Lakers.

Nag-a-average ng 11.3 points, 9.5 rebounds, 7.5 assists at 2.8 steals si Ball sa mga naturang panalo.

Maaari pa nilang mapahaba sa lima ang panalo sa pagharap sa Memphis Grizzlies sa Lunes (Martes, Manila time).

Pero malaki pa rin ang katanungan kung makakapaglaro si Ball para dito.

Malaking kawalan sa Los Angeles kung mawawala sa koponan ang rookie point guard dahil sa pagliban niya noon ng anim na laro dahil sa iniindang sakit sa balikat ay lumubog sa 0-6 ang Lakers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?