226

Jan 18, 2019 @ 14:47
By

Lonzo Ball nag-init sa OT, LeBron nagpatama sa mga referee

Hindi muna makakapag-ingay ang mga hater ni Lonzo Ball matapos idiin ang Oklahoma City Thunder ng Los Angeles Lakers, 138-128.

Matapos matapos ang regulation period, nag-impok ng kalamangan ang Lakers sa bisa ng dalawang tres ni Ball, tumapos ng 18 puntos, 10 assists at anim na rebounds.

Samantala, nanguna para sa LeBron-less squad si Kyle Kuzma na may 32 puntos, walong rebounds, apat na assists at tatlong steals, naging epektibo rin si Ivica Zubac na may 26 puntos, 12 rebounds.

Bagama’t panalo, napareklamo si LeBron James sa Twitter dahil sa iginawad na three free-throws kay Thunder star Russell Westbrook na dahilan para madala sa overtime ang laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?