61

Dec 25, 2017 @ 11:28

Lonzo Ball, ‘di lalaro sa Lakers-Wolves Christmas Day game

Hindi makakalaro si Lonzo Ball na nakatakdang paghaharap ng Los Angeles Lakers at Minnesota Timberwolves ngayong Pasko.

Kasalukuyan kasing may iniindang sakit sa kaliwang balikat ang rookie guard na nakatakdang sumailalim sa re-evaluation sa loob ng isang linggo.

Ayon sa koponan noong Linggo (Lunes, Manila time), nagkaroon ng pilay si Ball sa balikat na natamo niya sa second quarter ng laban nila ng Portland Trail Blazers noong Sabado.

Sa kabila nito ay itinuloy niya ang paglalaro at nakatapos na may 10 points, eight rebounds at 11 assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?