18

Jun 13, 2020 @ 15:31

Lonnie: Biktima ako ng rape

EMOSYUNAL na nilahad ni San Antonio Spurs star Lonnie Walker IV ang mapait nitong nakaraan at binasag na ang rason sa likod ng pagpapahaba ng kanyang buhok.

“The real truth as to why i started doing this early 5th grade, it was a cloaking device for me,” super throwback ni Walker sa kanyang Instagram post.

Grade 5 pa lamang aniya ay hindi na ito nagpaputol ng buhok hanggang sa tumapak sa NBA dala ang kanyang signature haircut na binansagang ‘the pineapple’.

“During the summer of my 5th grade year I was around more family … I was sexually harassed, raped, abused, I even got accustomed to it because being at that age you don’t know what is what.” (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?