267
'Longest daylight' sa Biyernes, asahan - Pagasa
Jun 19, 2019 @ 15:13
By

‘Longest daylight’ sa Biyernes, asahan – Pagasa

Inihayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Association (Pagasa) sa Central Visayas na magkakaroon ng mahabang araw sa mga bansang nasa Northern hemisphere, kabilang ang Pilipinas.

Ayon kay Vine Singson, weather specialist ng Pagasa-7, sa karaniwang averages na 12 oras at 30 minuto na nararanasan sa bansa sa normal na araw, ito ay magiging 13 oras sa Biyernes.

Ito ay dahil aniya sa tinatawag na ‘summer solstice’, o ‘solstice ng tag-init’. Ito ang panahon na natatamo ng araw ang greatest declination nito na +23.5 degrees at direktang dumaraan sa itaas sa tanghali.

Ayon kay Singson, ang araw ay sisikat dakong alas-5:28 ng umaga at lulubog bandang alas-6:27 ng gabi.

Aniya, ang average atmospheric temperature ay babagsak mula 32-34 degrees Celsius to 30-32 degrees Celsius bagama’t nagsimula na ang rainy season nitong June 14, makakaranas pa rin umano ng matinding init ng panahon.

Pinayuhan ni Singson ang publiko na magdala ng mga panangga sa matinding init gaya ng payong, magsuot ng sumbrero, o mas mainam na kumubli sa mga lilim sa mararanasang mahabang araw sa Biyernes.

Pagkatapos ng summer solstice, muling asahan na magiging maikli ang mga araw sa pagdating ng “ber” months. Ang ‘shortest day’ o ‘winter solstice’ ay asahan na mararanasan sa December 21, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?