7
le-tour-de-filipinas
By

Lomibao: 2018 Le Tour umaatikabong pedalan

Sharing is caring!

Apat na stages lang pero pihadong harurutan agad ang mga tigasing siklista sa buong mundo pagsibat ng Le Tour de Filipinas sa darating na May 20 hanggang 23.

Magsisimula ang kaskasan sa Stage 1 sa Quezon City Memorial Circle, kung saan pamumunuan nina Philippine Navy-Standard Insurance star Ronald Oranza, former titleholder Mark Galedo at national road champion Jan Paul Morales ang kampanya ng Pilipinas.

Si Morales ay kakampi rin ni champion Oranza sa Navy.

Bukod sa Philippine National Team, ang ibang local teams roster ay Bike Xtreme PH, Go for Gold at CCN Superteam, makakaharap nila ang 10 foreign squads.

Inaasahang mapapalaban ang mga Pinoy riders sa nagbabalik na si Kiwi cyclist Daniel Whitehouse, second place siya sa nakaraang edition na pinagwagian ni Australian Jai Crawford.

Papadyak ang 80 riders sa karerang may distansiyang 638.3 kilometers na dadaanan ang Pangasinan, Nueva Ecija at Nueva Vizcaya, ang lugar na may pinakamaraming Philippine Tour champions.

“We made it a point that all four stages are technically measured,” saad ni PhilCycling road and track commission chairman Jun Lomibao. “The foreign teams that were invited were practically the same teams which asked to be invited earlier. These foreign teams really wanted to race in Le Tour, so we’re expecting high-caliber riders and a high level of competitions.”

May layong 157.90-km ang Stage 1 na magtatapos sa Palayan City, Nueva Ecija.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?