250

Lomachenko inayawan si Pacquiao: Wala nang dating!

Sharing is caring!

Kung dati ay marami ang nagkukumahog para makaharap ang eight division world champion na si Manny Pacquiao, ngayon ay tila nawala na ang amor nito sa ilang bagitong boxer.

Lalo na para kay number one pound-for-pound fighter ngayong taon na si Vasiliy Lomachenko.

Ang Ukranian slugger ay haharap kontra kay World Boxing Organization champion Jose Pedraza upang ma-unify ang tangan naman niyang World Boxing Association lightweight title.

“It’s the next step for my goal, and after this fight I think my dreams come a little bit closer to me,” saad ni Lomachenko, na hawak ang 11-1 win-loss record kasahog ang siyam na knockouts.

Nang maitanong kung ano ang posibleng sunod na maging hakbang niya at kung may balak ba siyang makaharap ang Pinoy boxing legend na si Manny Pacquiao, ito ang kanyang naging tugon.

“There are a lot of good fighters to fight who are comparable to me, I’m not disrespecting Pacquiao. He’s old. I think his career is done. I don’t want to become a legend in boxing because of him,” pakli niya.

Ang kanyang target sa ngayon ay ang WBC champ, ang walang dungis na si Mikey Garcia (39-0 W-L record) sakaling mapabagsak si Pedraza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?