152
tnt_guns
By

Lolo tinambangan sa Makati

Dead on the spot ang isang 63-anyos na lalaki makaraan barilin ng hindi kilalang suspek sakay ng isang motorsiklo habang ang biktima ay nagmamaneho ng Honda CRV Linggo ng umaga sa Makati City.

Patay noon din sa pinangyarihan ang biktimang si Jesus De Guzman Dimayuga, residente ng 2552 Bonifacio St., Barangay Bangkal, Makati City

Ayon kay P/Major Gideon Ines, hepe ng Investigation Detective & Management Branch (IDMB) ng Makati City Police , nangyari ang pamamaril sa kahabaan ng Osmena hi-way malapit sa Cailles St.,ng lungsod bandang alas 8:25 ng umaga.

Agad tumakas ang suspek nang makitang duguan ang biktima sakay ng motorsiklo na nakasuot ng jacket na kulay olive green at nakasuot ng puting helmet.

Batay kay Major Ines , nanggaling umano ang biktima kasama ang misis nito na si Ramona sa simbahan at habang minamaneho ni Dimayuga ang kanilang sasakyang Honda CRV na may plakang XGZ 906 binabaybay ang Osmena hi-way at ng paliko sa Cailles St., nang biglang sumulpot ang motorsiklo na walang plaka lulan ng suspek kung saan agad binaril ang matandang Dimayuga.

Ayon sa misis ng biktima, walang kaaway ang kanyang asawa at mabait ito isa itong lay minister sa simbahan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Makati Police sa kaso

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?