140

Apr 18, 2021 @ 10:36
By

Lolo sa Piston 6 tumulong sa Tulong Obrero Community Pantry

“Noong mangailangan ako, napakaraming tumulong at nagbigay. Panahon namin ngayon para tumulong at magbigay dahil napakarami pa ring nangangailangan.”

Pahayag ito ni tatay Elmer Cordero, ang senior citizen na kabilang sa Piston 6, mga jeepney driver na inaresto at kinulong ng mga pulis noong nakaraang taon matapos mag-rally hinggil sa ban ng gobyerno sa mga pampasaherong jeep.

Maraming netizen at personalidad ang nangalampag para sa agarang pagpapalaya ng matandang tsuper noong panahong iyon, kabilang sina Comelec Commissioner Rowena Guanzon at aktres Jodi Sta. Maria.

Ngayon, lumahok si Cordero sa pasinaya ng “Tulong Obrero Community Pantry” ng Kilusang Mayo Uno, na binuksan para sa mga drayber na hirap at walang pasada at para sa mga walang trabaho.

Nagsimula kahapon itong community pantry na matatagpuan sa 63 Narra Street, Project 3, Barangay Claro sa Quezon City.

Inspirasyon anila sa proyekto ang Maginhawa Community Pantry, na kumalat na sa iba’t ibang lugar.

Ang prinsipyo ay may mga libreng pagkain, gamot, at iba pang gamit na nakalagay sa nasabing pantry, tapos depende na sa tao kung gaano karami ang kanyang kukuhain o gaano karami ang kaya niyang i-donate.

https://www.facebook.com/kilusangmayouno/posts/2928016690805909?__cft__[0]=AZWv1jOhklphJXhTOLCE3YhJDxTN4qWQgj-FzMCAc6Jf6Sf4ezMtSxY23QKxW4_86eXJHJ_vaKIJZWlBjDBzzZssBqChYG6lgN6ZOOwERy279wqxXZ89S8X9XcZVgG9WoX41mvfv6MnJK29OQaYZuYlp&__tn__=%2CO%2CP-R

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?