3,253

Nov 23, 2021 @ 18:34
By

Lolo pumatong sa may asawa, tigok

Sinundo ni Kamatayan ang 69-anyos na lalaki matapos niyang makipagtalik sa may asawa.

Ayon sa ulat, pinagsusuntok at tinusok ng kahoy sa mukha at ulo ang biktimang hindi na pinangalanan sa Barangay Matallucod, Sigay, Ilocos Sur Linggo ng umaga.

Naaktuhan umano ng suspek ang kanyang misis habang nakikipag-sex sa biktima nang puntahan ang babae sa kanilang bahay.

Nasa mahigit apat na pulgada umanong kahoy ang ginamit ng suspek sa lolong biktima.

Isa umanong barangay kagawad ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?