By

Lolo, patay nang ma-hit and run sa Caloocan

Sharing is caring!

Nasawi ang isang 78-anyos na lolo sa Caloocan City matapos masagasaan ng isang trailer truck nitong Martes ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Ricardo Ginco, na nahagip ng trailer truck sa panulukuan ng Rizal Avenue at 5th Avenue dakong 2:30 ng madaling araw.

Ayon sa report, papatawid diumano ang biktima nang hindi mapansin ang rumagasang trak at bigla itong sinagasaan.
Hindi umano tumigil ang trak kahit na sinisigawan ito ng mga nakasaksi sa pangyayari.

Wala namang nakakuha ng plate number ng trak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?