24
jeep-fx
By

Lolo naipit sa salpukan ng dyip, pick-up

Malubhang nasugatan ang 60-anyos na lolo makaraang maipit sa nagsalpukang dyip at pick-up truck sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, ang biktiamang si Benito Aguba, 60-anyos, pahinante ng jeep na magde-deliver sana ng saging galing probinsya ng Quezon patungo sa Balintawak sa nasabing lungsod.

Si Aguba ay isinugod sa East Avenue Medical Center matapos na nagtamo ng malalalim na sugat sugat sa ulo at katawan matapos maipit sa tumagilid na jeep ng halos isang oras.

Sa inisyal na report, binabagtas umano ng pick-up truck na Archimedes Aguilar, 24 anyos ang Biak na Bato St., , nang makasalpukan ang jeep na minamaneho ni Crispin Donatos na binabagtas naman ang Cuenco St., sa Brgy. Sto. Domingo.

Iginiit ni Donatos na siya ang nasa Biak na Bato St., nang biglang salpukin ng pick up. Tumanggi namang magbigay ng anumang pahayag ang driver ng pick-up.

Patuloy ang imbestigasyon ukol sa aksidente, ngunit ayon sa QC Traffic Sector 1, pero base sa nakita sa CCTV dapat parehas na nagmenor ang jeep at pick up lalo pa’t intersection ang dinaanan nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?