By

Lolo naglako ng shabu sa palengke, arestado

Sharing is caring!

Binitbit ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lolo makaraang may makapagbigay ng impormasyon na naglalako umano ito ng ipinagbabawal na droga sa mga palengke sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang naaresto na si Sheriff Sanan, 57-anyos, at residente ng Barangay Pinyahan, Quezon City, dakong alas-siyete ng gabi.

Sa himpilan ng pulisya, inamin naman ng suspek na nagbebenta siya ng shabu at ang mga parokyano umano niya ay mga taga-palengke. Nakumpiska sa suspek ang P160,000 halaga ng shabu.

Itinuga naman ng suspek na inaangkat umano niya ang shabu sa Taguig City, subalit pansamantalang hindi muna tinukoy ng mga awtoridad ang pangalan ng supplier ng droga dahil sa ginagawang follow-up operation.

“’Yung mga [droga] kinukuha niya sa Bicutan. Mga kargador at vendor diyan ang binebentahan niya,” anang imbestigador.

Nabatid na kakalabas lang ng suspek sa kulungan nitong Abril ng nakaraang taon. Nahaharap ngayon si Sanan sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?