ABANTE lolo suicide baril gun
By

Lolo nag-suicide sa Malabon

Sharing is caring!

Nag-suicide ang isang lolo dahil sa kanya umanong karamdaman sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo sa Malabon City kahapon ng hapon.

Sa ulat nina PO2 Junny Delgado at PO2 Rockymar Binayur ng Malabon City Police-Homicide Unit, alas-5:30 ng hapon nang makarinig ng putok si Manuel Orega, 57-anyos, retiradong bumbero, habang naglilinis ng kanyang sasakyan malapit sa bahay ng biktimang si Rolando Nicolas, 77, sa Tiangko Street, Barangay Ibaba.

Inusisa niya at tinawag ang pangalan ng biktima ngunit hindi umano ito sumasagot kaya’t humingi siya ng tulong sa isa pa nilang kapitbahay na si Armando Nicolas, na kasama niyang nagbukas ng pintuan ng bahay ng biktima.

Dito nila nakitang nakabulagta na at wala nang buhay ang matandang lalaki na naliligo na sa dugo.

Nabatid na huling nakitang buhay si Rolando, alas-tres ng hapon habang nagpapakalasing sa beer.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, may malalang sakit sa baga ang matanda.

Mayroon din umanong seryosong problema sa kanyang pamilya ang biktima, na posibleng dahilan ng pagpapakamatay nito. Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya upang masigurong walang foul play sa nangyari. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?