81
rape
By

Lolo nag-init kay ‘Ompong’, tinalo ang katrabahong apo

Sharing is caring!

Sa pagragasa ng paparating na bagyong Ompong, nagkaayaang mag-inuman ang magkakatrabaho hanggang sa mauwi sa pananamantala ng isang matandang kasamahan nito sa isang dalawang katrabaho sa Mandaluyong City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), inaresto si Eddie Mendola y Donaire, 56-anyos, construction worker at residente ng Lakatan St. Talon Las Pinas City sa kasong rape matapos halayin ang isang 26-anyos na katrabaho na itinatago sa pangalang ‘Sarah’, residente ng Mandaluyong City.

Hindi na nakatiis pa at agad na nagsumbong sa kanyang mga magulang ang biktima matapos na halayin siya ng kanyang tinatawag na lolo sa loob ng kanilang tinitirahang bahay sa Kin Manpower agency sa 317 Sto. Rosario St., Barangay Plainview, Mandaluyong City bandang alas-9 Biyernes ng gabi, Setyembre 14.

Ayon sa biktima, stay-in worker sila ng Kin agency at nagkayayaang mag-inuman kasama ang ilang katrabaho. Nang tapos na silang mag-inuman at halos nakatulog na ang iba dahil na rin sa kalasingan at sa lamig ng panahon na dulot ng bagyong Ompong.

Nagulat siya nang kumatok sa kanyang pintuan ang suspek at tinatanong kung ‘ok’ lang ba siya at sinabi ‘ok’ na naman kaya umalis na ito at bumalik sa loob ng kanyang silid subalit muling kumatok ang suspek at tinanong uli siya kung ‘ok’ ba siya at nagulat siya nang biglang pumasok ang suspek at pinilit na siyang halayin.

Nagpupumiglas ang biktima subalit hindi na nagawang makasigaw pa nito dahil tinakpan umano ng suspek ang kanyang bibig hanggang sa tuluyang nakuha ni lolo ang kanyang pagnanasa.

Nahuli ang suspek sa loob ng kanilang staff house at kasalukuyang nakakulong sa Mandaluyong detention cell habang handang magsampa ng kasong rape ang biktima laban sa matanda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?