56

Jun 5, 2020 @ 9:55
By

Lolo na nag-rally, sasaluhin ni Guanzon

Gustong bayaran ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang pampiyansa ng isang 72-anyos na tsuper, na nanawagan para muli silang magbalik-pasada ngayong niluwagan na ang anti-coronavirus quarantine sa Metro Manila.

Naantig si Guanzon sa ulat tungkol kay Elmer Cordero, kabilang sa 6 na miyembro ng transport group Piston na dinetene sa New Caloocan City Hall matapos mag-rally noong Hunyo 2.

“I want to pay for the old man’s bail. What court ?,” usisa ng commissioner kagabi.


May tumugon namang netizen at sinabing sinalo na ng isang UP Law sorority ang piyansa ng Piston 6 na tig-3,000 o kabuuang P18,000.

Gayunman, tuluy-tuloy ang paghikayat ni Guanzon na mag-donate ang madla para sa pangkain ng mga tsuper at kanilang pamilya habang ‘di pa pinapayagang rumonda ang mga lumang jeep.

“People, kahit tag 500 pesos , magbigay tayo for their families,” aniya pa sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?