7

By

Lolo na-hit and run ng jeep, patay

Sharing is caring!

Isang matandang lalaki ang nasawi matapos salpukin at magulungan ng isang pampasaherong jeepney sa Navotas City kaninang umaga.

Sa ulat ng Navotas City Police, naglalakad sa gilid ng kalsada ang biktimang si Icaonapo Villafuerte, 63, nang salpukin ng humaharurot na jeep na may plakang TXE 377 at minamaneho ni Virgilio Palmares, 61, alas-6:25 ng umaga sa kahabaan ng M. Naval Street, Barangay North Bay Boulevard North.

Pumailalim ang matanda at nakaladkad bago tuluyang kumawala sa ilalim ng sasakyan.

Nagtamo ito ng malalang pinsala sa kanyang ulo at katawan at nagawa pang maisugod sa Tondo Medical Center ngunit hindi na pinalad na mabuhay.

Sa halip na saklolohan naman ng driver na si Palmares ang biktima ay tumakas ito pero kalaunan ay nasakote rin sa mismong bahay niya.

Nakatakda nang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek habang in-impound naman City Traffic Management Office ang kanyang pinapasadang jeep.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?