89

Nov 19, 2019 @ 17:39
By

Lolo lunod sa balon

Nasawi ang isang 72-anyos na lalaki matapos malunod sa balon sa Calauag, Quezon.

Wala nang buhay nang matagpuan sa ilalim ng balon ang biktimang si Rustico Balingbing noong Lunes ng alas-dos ng hapon.

Ayon sa mga kaanak nito, huling nakitang buhay ang biktima alas-10:00 ng gabi noong Nob. 17 habang ito ay naglalakad sa pathway pauwi sa kanyang bahay sa Barangay Biyan.

Subalit dahil sa gabi na at malabo na ang mga mata ng biktima, posible umanong nadulas ito at na-shoot sa hukay na nasa gilid ng daan.

Isinailalim pa sa pagsusuri ang bangkay ng biktima upang tiyakin na walang foul play sa pagkamatay nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?