46

Oct 23, 2019 @ 16:21
By

Lolo humandusay sa kalsada sa Mandaluyong

Patay na ang isang lolo nang matagpuan sa harapan ng isang kilalang supermarket sa Barangay Mauway, Mandaluyong City, Martes ng hapon.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na kilalang cigarette vendor at mangangalakal sa lugar, at inilarawan lamang na nasa 70 hanggang 75-anyos, nakasuot ng abuhing shorts at t-shirt.

Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong alas-1:10 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa harapan ng naturang supermarket na matatagpuan sa D.M Guevarra Street, Barangay Mauway.

Isang call center agent, na nakilalang si Jason Malinao, ang napadaan umano sa lugar at nakapansing wala nang buhay ang biktima, habang nakahiga sa semento at bahagya pang nakatakip ng payong, na nagsisilbing silungan nito, kaya’t kaagad na ini-report sa pulisya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, huli umanong nakitang buhay ang biktima na pagala-gala pa sa lugar dakong alas-3:30 ng hapon ng Oktubre 21.

Hinala naman ng mga awtoridad na posibleng karamdaman ang ikinamatay ng biktima, Ang bangkay nito ay pansamantalang nakalagak sa Gospel Funeral Parlor. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?